Mas mahalin ang sarili.

Sa isang relasyon, dapat mas mahal mo yung sarili mo. Oo nga’t mas maganda kung mahal na mahal mo yung partner mo, yung ibibigay mo lahat para wala na siyang hanapin pa, yung gagawin mo lahat ng gusto niya para wala na siyang maisumbat, para hindi ka niya iwan.

Pero minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, nakakasakal na. Oo nga at ibinibigay mo lahat sa kanya. Oo nga at wala kang pagkukulang sa kanya. Ang tanong: masaya ba siya? Siguro ikaw masaya ka na ipakita kung gaano siya kaswerte sayo. Pero naisip mo na ba kung masaya pa ba siya?

Mamaya niyan hindi ka na pala niyan mahal at naghahanap na nang iba, nagloloko na pala dahil alam niya, sigurado siya na nandyan ka, na mahal na mahal mo siya at hindi mo siya kayang iwan. Kampante siya na hindi ka mawawala, na hindi mo kayang umalis sa tabi niya kahit pa may kasalanan siya dahil nga mahal na mahal mo siya.

Ang mangyayari, wala na siyang pakialam sayo dahil nga mahal mo siya e. Gagawin mo lahat para sa kanya. Ang ending: masasaktan ka, maiisip mo kung gano ka katanga, gusto mo siyang iwan pero hindi mo kaya, gusto mo siyang murahin, awayin pero natatakot ka dahil baka ikaw pa ang iwan.

Nababaliktad ang sitwasyon. Imbis na siya ang humingi ng tawad, ikaw pa ang natatakot na iwanan niya. Ikaw na nga ang nasaktan, ikaw pa nahihirapan. Bute kamo sila masaya sa buhay nila. E pano nga naman ikaw? Ikaw na mas nagmahal, nagbigay ng lahat lahat, minahal siya ng buong tapat? Wala lang? Iiwan lang ng basta basta?

Bat ganito ang kinahantungan ng pagmamahal mo? Dahil masyado mong ibinigay ang lahat lahat mo sa kanya. Buong puso. Buong buo. Dapat mas mahal mo ang sarili mo. Para kapag iniwan ka, hindi masakit. Para kapag sinaktan ka, kaya mong bumitaw. Hindi yung nakatali ka na dahil parang siya na ang bumubuo sayo. At sasabihin mong “Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka”

E sinong mali? E sinong tanga? Sabihin na nating dapat buong pagmamahal talaga ang ibinibigay kapag nasa isang relasyon. Pero sa isang relasyon alam nating may nasasaktan at nasasaktan. Friend, hindi masamang umiwas sa pagiyak alam mo ba yun? Hindi masamang isipin ang sarili. Mahalin mo naman sarili mo. Wag namang martir o. Mas mahalin mo sarili mo kung ako sayo.

Ako lang naman

Ako yung tipo nang taong, laging nandiyan para sa’yo, handang makinig, kapag may problema ka, isang tawag mo lang nandyan na ako. Kapag kelangan nng kainuman, basta sagot mo, gorah na. Yung kapag lasing ka, aalagaan kita. Yung kapag naiinis ka sakin, iintindihin kita. Yung kapag kailangan mo ng tagapakinig, papakinggan kita.

Ako yung tipo nang taong, hindi napapakinggan. Yung tipo nang taong hanggang blog lang. Yung tipo nang taong “Si claire lang naman yan”.

Wala lang, sinabi ko lang. Okay lang, ganun naman talaga.

Sadyang napaka iksi nga naman ng buhay.

Kung iisipin, ang dami nang kumakalat na keme namag e end of the world na. Bilang ang dami na ngang nagaganap na nagpapahiwatig na malapit na daw ang paghuhukom, gusto ko na nga din maniwala.

Nakaka alarma. Para bang gusto mo na gawin lahat. “Tangina ayokong mamatay na virgin” Mga ganyang bagay. Mga bagay na gusto mong gawin bago ka mamatay.

E pano kapag yung kapalaran mo ay hindi na pala aabot nang end of the world? Ang nangyaring insidente kay AJ Perez ay sadyang nagbigay sa aking nang reyalisasyon na “Putangina ang iksi ng buhay” Na sa isang iglap, mawawala lahat. Hindi nakapag paalam nang ayos, hindi mo nasabi ang mga gusto mong sabihin.

Totoo ngang kapag oras mo na, oras mo na talaga. Kahit anong ingat ang gawin mo, ganun talaga. Napaka ikli nang buhay, mag inaso hanggang kaya, magmura nang wagas, magmahal nang sobra dahil baka bukas makalawa, di ka na pala nahinga.

Tunay na kaibigan

Ang hirap kapag hindi ka maintindihan nung mga kaibigan mo. Kung sino pa yung mga unang taong inaasahan mong makakaintindi sa’yo, sila pa yung mga unang taong pinaguusapan ka kapag nakatalikod ka. Naiintindihan ko na mahirap talagang sabihin sa isang tao ang mali sa kanya nang harap harapan. Ngunit kahit ganon, matuto nalang sana tayong rumespeto at huwag pagusapan ang taong ito kapag nakatalikod siya. Tapos kapag kasama niyo siya, parang walang nangyare. Anyare? Kala ko ba magkaibigan kayo? Anyare?

Ang hirap din naman kapag may mga kaibigan kang feeling superior sa’yo. And I’m like, “Ano ka? Boss ko?” Tangina kung kaya mo naman, edi gawin mo. Hindi porket kaibigan kita, gaganyan ka sakin. Hindi porket may utang na loob ako sa’yo, ang kapal nang mukha mo magutos. Feeling ko, mali yan.

Ang tunay na kaibigan, kaya magbigay kahit hindi napapalitan. Ang tunay na kaibigan, hindi nanunumbat, ang tunay na kaibigan, kaya umintindi. So alam mo na kung ano ka.

Ganito kasi ang storya niyan.

Bakit nga ba mahigpit sa akin ang magulang ko? Bale, ang nanay ko kasi, 38 years old lang ngayon tapos ang tatay ko, 37 lang. Ako 19 na. Ipinanganak ako nang mama, 18 years old siya. Nagaaral pa. Tapos, yung pinsan ko na sinundan ko, 18 years old din nung nanganak. Tapos ako na.

Sa pamilya, inasahan nilang lahat na ako na yung susunod, na madedesgrasya din ako. Granted na ilang beses na ata nila akong nahuling may ka-text na chorva. Ang landi ko kasi nung bata ako. Kainis. Edi ayun nga, ako yung unang nag debut sa aming pamilya. I mean, yung debut na pinaghandaan talaga. Kasi lahat sila nabubuntis.

Proud na proud ako sa sarili ko nun. Hindi lang dahil ako ang unang nag debut kung hindi dahil na din virgin pa ako. Although touched and kissed, virgin naman.

Maniwala kayo’t sa hindi, hindi pa ako napapayagang mag over night sa bahay nang kaibigan o kaklase. Lahat nang overnights ko, patakas, patago. Nabubuhay ako sa ganyan e, sa kasinungalingan. Masama akong anak, sige. Pero ginagawa ko naman lahat para maging proud sila sakin.

Hindi ako nagpapaalam sa mga alam kong ikakagalit nilang bagay hindi dahil ayaw ko magpaalam dahil nagrerebelde ako kung hindi dahil, ayaw ko na lang sumama pa ang toob ko sa kanila at magkaron pa nang away. Minsan okay na yung hindi nila alam, kesa naman nagagalit ako sa kanila.

Nandyan na nga minsan yung pagkakataong sinasabi kong sana hindi nalang sila yung magulang ko e. Ni minsan hindi ko pa sila nasasabihan ng ‘I love you” Inggit na inggit nga ako sa mga kakilala kong may parents na magkahiwalay e, dahil mas close sila. As in tight. Samantalang ako, buo nga pamilya ko, ramdam ko naman yung pagiging wasak namin as a whole. Hindi ako masaya.

Lahat binibigay nila sakin. Lahat nang luho na gustuhin ko. Pero hindi talaga ako masaya. Isipin ko mang masaya ako, hindi lang talaga.

Cause when a heart breaks, it don't break even.

Tunay. Kapag merong relasyon na nasisira, nandyan yung isa na okay lang para sa kanya ang hiwalayan at nandyan naman yung isa na sobrang nasasaktan at nahihirapan. Yung isa kailangan pa mag “move on” samantalang yung isa may bago nang “ka-on”. Yung isa kailangan pa ng time. Yung isa naman ang dami ng time na sa iba.

Nandyan talaga yung maiiwan at maiiwan, yung masasaktan, yung mahihirapan, yung nagmamahal pa din, yung kawawa sa inyong dalawa. Yung isa hindi na makatulog sa gabi sa kaiisip samantalang yung isa, hindi ka man lang nakuhang isipin.

Kapag may naghihiwalay, nandyan yung isa na may gusto na mag hiwalay talaga sila. Hindi naman pwedeng maghiwalay yung dalawa pero ayaw nila pareho maghiwalay. Kapag may naghiwalay, merong may gusto makipag hiwalay. Dahil kung ayaw niyo talaga, hindi talaga e.

Hindi pwedeng ayaw niyo maghiwalay pero nag break kayo. Nandyan talaga yung isa na nahihirapan na, yung gustong kumawala tapos yung isa naman yung mahihirapan.

Yan ang mahirap e. Papasok pasok sa isang relasyon. Okay naman yung isa bago ka dumating e. Tapos mapo fall out of love ka, iiwan mo nalang bigla. E pano naman yung isa?

Pero siguro nga ganun lang talaga. Hindi lang talaga siguro fair.

"Dadating din yung para sa'yo"

Oo nga at dadating siya. Oo nga siguro at may nakalaan para sa atin, sa bawat isa sa atin. Pero pano kapag pagod na ako? Pano kung sa labing siyam na taon kong nabubuhay feeling ko nawawalan na ako nang para sa akin?

Oo nga daw na may nakalaan sa bawat isa para sa atin. Pero diba yung nakakatuluyan ng iba, hindi naman para sa kanila. Pano pala kung yung taong para sa akin ay may ka relasyong seryoso na? O kaya nagpari na? O kaya ayaw mag asawa, o kaya bading? O kaya naka disgrasya. Paano naman ako?

“Magintay ka lang” E putangina pano kung intay ako nang intay wala na pala akong iniintay? Feeling ko hindi masaya. At hindi talaga masaya guys.

2 hold-uppers, dead; victims unscathed in gun battle

Two male hold-uppers were dead on the spot while the other two escaped after declaring hold-up yesterday along Laon Laan Sampaloc, Manila.

Authorities of Manila Police District Station4, led by Police Chief Inspector Rayan V. Ador were then patrolling at the said area and spotted the incident. When the suspects are to be arrested they draw and fire their guns which triggered the authorities to return back the fire.

The gun battle led to the death of Eduardo Delmo and one unidentified while the two managed to escape.

The victims Michael Pay, 23, John Tangente, 33, Jeffry BAstida, 13, Ruel Esagre, 23, were left unscathed.

The MPD Station4 is still conducting follow up operations.

According to Police reports, the cadavers were brought to Universal Funeral Homes located along Avenida St., Sta. Cruz, Manila.

MPD: “chop-chop” issue, bogus

An estimated 2,000 residence in Laon Laan Sampaloc, Manila flocked the police station upon hearing that the “chop-chop” criminal has been arrested yesterday.

The said “chop-chop” issue has been around Laon Laan. Flyers with pictures of chopped body parts were posted along the said area. Hence, the apprehension of the people.

However, according to investigation, it turned out that the suspected perpetrator, Lamberto Baldoz De Leon, 47 with his Nissan white van was just waiting for Brgy. Chairman Daniel Landicho.

Manila Police District Station4 – SPO4 Severino Segum was stern in saying that the issue gaining popularity in Facebook was a “bogus”.

“There’s no truth to that,” he said.

Stupid love

“Pag may kausap kang iba ako’y dine deny, basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay.” - Salbakuta

Stupid love nga daw ‘di ba? May mga tao kasi talagang user. Na kapag marami kang mahihita, gourah. Sa sobrang user na kahit hindi mo mahal pero dahil ang dami niyang naiitulong sa’yo, “di ko pa siya mahal pero gusto ko siya”.

Yung parang hindi mo siya maitaboy dahil ang dami niyang naiitulong sa yo, ang dami niyang nagagawa para sayo.

May kaibigan kasi ako. Yung kaibigan kong yon, may boylet na hindi ka gwapuhan tapos lagi niya kinukwento sa akin yun. Tapos dumating ako sa conclusion na nahihiya siyang kasama yung lalake dahil nga chaka. Para bang mas mahalaga pa sa kanya ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman niya.

Feeling ko kung hindi useful yung lalake, hindi na niya yun ide date e. Pero sige, bilang isa naman akong kaibigan kunwari naiintindihan ko siya. Pero naaawa ako sa lalake. Sobrang naaawa ako. Kasi parang pinagbabago siya nung friend ko. Sabi niya sa lalake “Kapag ipapakilala kita sa friends ko, ako bibili ng damit mo ha” Tapos gusto pang pag gym-in yung lalake para daw maalis yung konting taba. Grabe. Awang awa ako sa kanya.

Minsan iniisip ko nalang din na baka naman mali ang iniisip ko, na baka naman gusto talaga nung friend ko yung lalae. Pero iba e. Iba talaga.

Sana lang talaga walang umaabuso ng pagmamahal. Hindi dahil mahal tayo ng isang tao, magiging kampante na tayo na okay lang nating silang saktan. Tao lang sila, nagmamahal, hindi manhid, nasasaktan.

Muslim, shot dead in Quiapo

A MUSLIM was found dead on the spot inside an Islamic Center yesterday at Quiapo Manila.

The body identified as “Anwar”, 30-40, was acknowledged by the Barangay Chairman Faez Nacbato of Brgy. 648 Zone 67 District6, San Miguel, Manila.

“Because they are Muslims [they refused to disclose any details],” SPO3 Mario Asilo of the Manila Police District (MPD)-Homicide Section said.

Police Inspector Armando Macaraeg, Chief Homicide Section together with SPO3 Danilo Vidad was dispatched by the MPD to conduct the operation.

Anwar was found lying with his back in a pool of blood, multiple gun shots were found on different parts of his body at the Islamic Center at 4:30pm. Because of Muslim tradition, the body was immediately brought in the mosque.

According to police reports, several people in the area interviewed were reluctant in giving out information. The case will be placed under further investigation by the MPD.

“Ganon talaga sa Muslim, ‘di na sila nagpapa imbestiga, deretso na libing,” Asilo said.

Choosy ka pa kasi

“E kasi hindi siya ganyan e.”

“Hinahanap ko kasi yung mabait, yung chenes, yung chuchu…”

“Ang gusto ko sa babae/lalake yung …”

Diba ganyan minsan ang sinasabi natin kapag tinatanong kung “Bakit ba ayaw mo sa kanya?” “Ano ba kasing tipo mo?” Para bang may hinahanap tayo. Either yung kung anong meron tayo dati na nawala or yung nabuo sa isip natin na gusto natin. Nagkakaron tayo nang idea na “eto ang gusto ko” “dapat ganito”

Bakit nga ba? Marahil kaya ganun ang gusto mong trait ng magiging partner mo dahil ganun ang trait ng tatay mo or nanay mo at gusto mo ganun din. Marahil ganun ang trait na gusto mo sa partner dahil ganun yung napapanood mo sa tv. Marahil dahil ganun ang trait nung ex mo. Marahil ganun ang syota nang kaibigan mo. Maraming pwedeng pagmulan yan e. Kaya nagiging choosy tayo. Kasi meron tayong gusto. Nagkalaman ang isip natin na “Dapat ganito.”

E paano kapag walang ganyan? Paano kapag ang taong magmamahal sayo ng totoo o ang taong para sayo ay hindi ganyan? Hindi mo man lang bibigyan ng chance? Hindi mo man lang susubukan dahil “hindi kasi siya chuchu e”

Tapos magrereklamo tayo “Bakit ba walang nagmamahal sakin?” Tapos sasabihin natin sa mga kaibigan nating in a relationship na “O kayo na nga!” “Bute pa kayo.” E SINO BANG MAY KASALANAN? SINONG BANG CHOOSY?

Dapat sa isang relasyon, kakalimutan mo muna lahat ng bagay. Wag kang papasok sa isang relasyon na may hinahanap. Nang may naiiwan. Wag yung nasa isang relasyon ka na tapos sasabihin mong “Bute pa si ganyan…” Tapos magrereklamo ka sa bestfriend mo “Parang ayaw ko na, di kasi siya ganyan e”

Dapat blanko ka muna, wala ka munang laman. Parang papel lang na susulatan mo ng isang bagong storya. Hindi ka pwedeng magsulat ng ibang storya sa isang nag e exist pa na storya. Kung gusto mo gumawa ng bagong storya, paniguraduhing walang laman ang papel. Dahil kapag pinagsama ang isang storya at isa pa, kagulo ang ending. Pangit ang takbo, hindi maiintindihan.

Dapat kapag nasa isang relasyon ka, walang laman ang puso mo, walang bakas ng kahapon, wala kang ex na iisipin, wala kang ex na ikinukumpara, wala kang iisiping iba kung hindi siya, yung bago.

Ganun din sa paghahanap. Wala ka dapat basihan, walang markang dapat mong sundan. Para mas madali para sayo ang lahat. Para hindi ka nahihirapang pumili. Para mas alam mo ang gagawin mo.

Sa relasyon, yang puso mo, dapat wala yang laman. Para malamnan ito ng panibago. Para hindi dalawa, para hindi kagulo. Para malinaw ang takbo.

Notorious abortionist of Quiapo, held captive

Credit to a concerned citizen who tipped-off an illegal operation, the notorious abortionist of Quiapo, Manila was re-arrested last April 2.

Myla Sanchez, 34, was caught in action inside a shanty residence allegedly used as a hideout at 24 Basan St. Quiapo, Manila. Sanchez was arrested together with her suspected assistant.

The Plaza Miranda Police Community led by Commander Joselito Von Possel however, failed to seize the suspected assistant. The aid was described as fair and 5’7 in height.

Possel along with SPO2 Larry Punzalan and PO3 Efren Castro have closely watched the reported location leading to the confirmation of the reported act.

According to the report given to the Manila Police District Headquarters, the perpetrators were captured long before finishing the abortion. The ‘costumer’ was seemingly in a “giving birth position”, when the police arrested them.

The arresting-police seized ‘abortion paraphernalia’ (coconut oil, cotton, and two stainless forceps) on the crime scene.

The ‘costumer’ identified as Michelle Delos Santos, 24, was reportedly two months pregnant.

Sanchez and Delos Santos were brought at Jose Reyes Memorial Hospital for medical examination and are both under custody at the Manila Police District. #

Pano kapag...

Paano kapag may mahal ka tapos yung taong mahal mo feeling mo gusto ka din pero wala siyang ginagawang aksyon. Tapos may isang dumamating na minahal ka. At bilang mahal ka niya, natuwa ka at pumasok na din sa relasyong yun. Tapos lumayo yung isa.

Edi masaya ka na sa kung saan mang relasyong meron ka diba? Tahimik na buhay niyo, nagmamahalan. Mahal ka niya. Kuntento ka na don.

Pero paano kapag bumalik yung isa? Yung minahal mo talaga. At kapag nagkakatinginan kayo, hindi mo man aminin, may segundong tumitigil na para bang kayo lang ang tao sa mundo. Na iba talaga kapag siya. Na ang titig o ang pagkakataong yun ay kailanman hindi mo naranasan sa taong nagmamahal sayo?

Anong gagawin mo?

Dun ka sa mahal ka o dun ka sa mahal mo?

Ano nga bang mas okay? Yung minamahal o yung nagmamahal?

Syempre sa kahit saang relasyon siguradong nandyan yung taong mas lubos magmahal. Sa isang relasyon kailanman hindi naaging fair ang pagmamahalan ng mag partner. Nandyan yung kaya ibigay ng isa ang lahat lahat. Samantalang ang isa kalahati lang ang kayang ibigay. Ganun talaga e. It’s never fair.

Kung ako, dun ako sa mahal ko. Martir na kung martir, masokista na kung masokista pero gusto ko yung nahihirapan e. Oo ngat ibibigay nung nagmammahal sakin lahat lahat. Masaya ba ako? Okay na sakin yung ako yung nagbibigay ng lahat lahat dahil doon alam kong happy ako. Kesa naman mag settle sa hindi ko mahal dahil lang sa mahal niya ako. Nahihirapan ako, masasaktan ko pa siya. Unfair naman yun sa whole wide world diba?

Kahit saang parte ng relasyon, may kahirapang dulot. Promise na.

Hinaing ng single.

Ang hirap naman ng ganito o. Yung parang halos lahat ng kaibigan mo, nagkakaroon na ng kasama sa buhay. Yung tropa kayo e. Gabi gabi tambay, inom, yosi at kung ano anong kalokohan. Yung kasama mo siya araw araw tapos isang araw magkaka someone special na siya. At yun na. Naisip ko na kung gano ako ka single. Tapos parang lahat sa paligid ko lovers ang nakikita ko. Para bang dati kapag nakakakita ako nang mga mag syota naiisip ko ay“Magbe break din kayo” Ngayon ang naiisip ko “Putangina bat ako wala”

Seryosong nagiba na ang tingin ko. Para bang sobrang napag iiwanan na ako nang panahon. Feeling ko kasi talaga, hindi pa ako nagmamahal ng todo. Yung unang counted ko na boyfriend, kaya lang kami nagtagal ay dahil siya ang first boyfriend ko. Yung pangalawang counted ko naman na boyfriend, crush na crush ko lang kaya ayun. Dalawa palang ang kina count ko. At ganyan pa sila. Ang saklap.

E pano nga naman yung mga NBSB edi mas masaklap? Ako feeling ko hindi. Kasi hindi pa nila nararanasan yung sakit na dulot nang maiiwan e. Mas masaklap yung nawalan tapos matagal bago magkaroon ulet *present!!!*

Alam mo ang sakit. Hahaha. Diko akalain ding sobrang lungkot lungkot ko na pala. Na kapag iiwan ko ang cellphone ko nang 1 week, wala man lang importanteng mag tetext sa akin. Kundi yung nanay ko.

Noon nga hindi pwedeng hindi ako mag charge after 2hours dahil gamit na gamit ang cellphone ko. E ngayon? Kahit 2 days ko hindi i charge ang phone ko, pwedeng pwede pa din ang battery. Nakaka putangina.

Masarap maging single, oo. Pero hindi masaya!

Sinong nagsabing masaya? Putangina ha.

Easy come, easy go.

Mabilis mong makuha, mabilis mawala. Ganon naman talaga kasi diba? Lalo na kapag may gustong gusto ka. Kapag maaga napasa iyo, mabilis ka mawawalan ng amor dito. Bakit nga ba ganon? Nasayo na nga e. Tapos aayawan mo pa. Yun na nga e. Kaya mo aayawan o kaya ka mawawalan nang gana dahil nasa iyo na.

Tingnan nyo yung karamihan sa mga lalake. Di ba mas gusto nila yung hindi easy to get? Yung nililigawan. Yung matagal bago mapasagot, hindi yung kapag sinabihan ng ‘Iloveyou’ ay mag a ‘Iloveyoutoo’ agad.

Kapag ang lalake, mabilis mapasagot yung gusto nilang babae, mabilis mawala yung nararamdaman nilang pagka gusto dito. Hindi katulad kapag hindi pa nila ito nakukuha, mas na ti trigger yung pagka gusto ng lalake sa babae, mas gugustuhin nya ito na eventually, mamahalin at hindi na kayang iwan. E kapag nakuha agad, hindi na masyadong makikilala dahil puro na sweet sweet chuchu, nawala na yung waiting stage. Masisira na lahat. Ganoon din naman kapag nakuha na ng babae yung kanilang mga tipong lalake.

Walang mas bubuti sa pagtrato sa mga bagay bagay sa mabagal na paraan. Wag magmadali, kung sila ang nagmamadali para sa iyo, mali yun, hindi sya dapat sayo ibig sabihin.



Bagalan. Wag biglaan.

Take things slow.

Walang masama sa kaunting paghihintay.

Hi, G.

Kanina lang ulit ako nakapunta sa bahay mo a. Nakalimutan ko na halos kung gaano ka tahimik sa lugar mo. Kung gaanong ang sarap mag isip kapag nandoon ako sa loob. Kung paanong parang sobrang napakaligtas ko kapag kaharap kita. Kung gaanong gumagaan ang aking kalooban kapag nandon ako. Kung paanong ramdam na ramdam ko doon ang iyong presensya.

Ang tahimik doon. Para bang sising sisi ako sa lahat nang kasalanang nagawa ko. Alam ko mag isa ka lang dyan. Ay pwera dyan pala sa mga katabi mo sa altar. Ako maraming kasama dito sa labas. At masaya dito. Ikaw ba dyan?

Masaya ang buhay ko dito sa labas. Ikaw ba dyan sa bahay mo? Masaya din ba dyan? Salamat nga pala sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin, kapalit naman ng buhay mo. Salamat ha.

Alam kong hindi ko nagagamit minsan sa mabuting paraan ang pagkakaroon ko nang buhay. Sumasaya ako dahil sa mga bisyong natutunan ko. Masyado akong makasalanan na nahiya naman akong pumasok sa bahay mo. Bilang isa lang akong nilalang na ipinorma kasunod ni adan at ni eba, makasalanan din ako. Ngunit hindi ko naman dinadahilan ang pagiging makasalanan nila kaya ako ganito.

Ang sa akin lang, tao lang ako. Malapit sa temptasyon. At tao lang ang mga nasa paligid ko, mga temptasyon.

Alam kong ang dami kong mali, pagkukulang, kasalanan. Sana sa saglit na dalaw ko at pag kausap sa iyo, mabigyan mo pa ako nang kaunting puwang sa puso mo. Alam kong mas maraming mas nagmamahal sayo, at marahil mas mahal mo.

Pero sana alam mong kahit ganito ako, kahit ni sa dasal hindi ko mabigkas, kahit sa isip ko lang kahat, sana alam mong mahal na mahal kita, nagpapasalamat ako sa lahat nang ginawa mo para sa akin at sa bawat pagkakamaling ginagawa ko ay may kalakip na ako na humuhingi nang tawad.

Alam kong nalihis ako nang daan pero ang puso ko, deretso pa din sa iyo.

Confession

Litong lito na ako sa ako ngayon. Ang dami ko nang gustong gawin. Gusto ko na magbago ng tuluyan pero ayokong mawala yung mga taong nasa buhay ko. Hindi ako masaya sa kanila pero ayoko pa din sila mawala dahil hindi ko alam basta ayoko silang mawala sa buhay ko. Mahal ko sila e. Gusto ko na magbago ng tuluyan pero hindi ko kaya.

Gusto ko na magsisi sa lahat ng kasalanang nagawa ko pero at the same time, gusto ko namang mas gumawa pa ng kasalanan. Wala akong kasing labo diba? Ayoko na sa mga tao. Para bang naiinis ako magkakaibigan dahil pinapakealaman nila ako. At the same time naman na gusto ko ng maraming kaibigan dahil ang lungkot magisa.

Gusto ko yung buhay ko na wala akong iniisip, nagmumura, nagsisinungaling, nananakit, hindi nagmamahal, nanlalait, nagiinom, nagyoyosi, nagaadik. Kasabay nito ay gusto kong mapalapit sa dyos. Gusto kong magbago.

Imposible diba? Gusto ko lahat. At gusto ko ng kasalungat ng lahat ng gusto ko. Ang tanong, ano nga bang daan ang tatahakin ko? Yung daan ng kaligtasan ko o yung papuntang impyerno? Syempre gusto ko yung ikakaligtas ko pero mas masaya at mas ako dun sa kabila. Pwede bang pareho? Pwede bang maging masaya na nasa tama padin akong daan?

Sobrang ligaw na ligaw na ako ng landas na tinatahak. Not to over say this but yes, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Ano na? Mukhang malapit na magunaw mundo a?

Noon hindi ako naniniwalang may end of the world. Hindi ako naniniwalang may paghuhukom at iba pang chenelar. Hindi ako naniniwalang gugunaw talaga ang mundo. Pero dahil sa mga nangyayari, naniniwala na ako. Na talagang sobrang posibleng gumunaw ang mundo. Seryosong naniniwala na ako.

Ang dami dami nang nangyayaring kababalaghan no? Mga malalakas na tsunami at bagyo, climate change at kung ano ano pa. Mukhang mapapaaga ang pagalis natin sa mundo a. Naisip mo na ba ang gagawin mo?

Nagsisisi ka na ba sa lahat nang ginawa mo? Ititigil mo na ba ang mga bisyo mo? Papatawarin mo na ba lahat nang mga nagkasala sayo? Hihingi ka na ba nang tawad dun sa mga nasaktan mo? Ilalaan mo na ba ngayon ang karamihan nang oras mo sa mga taong mahal mo?

O dahil malapit na ang mundo, gagawin mo na lahat nang gusto mong gawin. You’ll live your life to the fullest nalang? Magmahal nang magmahal. Magpakasaya nang magpakasaya. Tumambling nang tumambling. Lahat nang gusto mong gawin gagawin mo na dahil malapit na matapos mundo e.

Ikaw, ano nga bang gagawin mo?

Date a girl who blogs

Date a girl who blogs. Date a girl who finds solace in sharing her most private letters to the noises of the world. She has a rhythm to the writing, as the sounds — the tap-tap-tapping — are touched with every bit of emotion she can muster. She’s writing, ignoring the 9% battery warning as she tries to add a little more perspective to your world.

Date a girl who blogs. Find her that new restaurant and wait for her, patiently, as she skims through the menu, to cherish the Serifs and italics of the posh, and the Arials and doodles of the diner. Watch her order, and question the waiter, and then the head chef to hear a story you’ve never cared to hear before. You will learn. Watch her envelop her tongue at the morsel awaiting judgement, then chew, her face barely betraying a smile as she takes down notes on a torn paper napkin. She forgot her notebook. Buy her one. And seal it with the URL of your new blog.

Today she’s doing more than just writing. She’s moving the widgets, repositioning the ads and maybe doing a bit of SEO. Help her. Buy her a new domain — buy it for 3 years with a promo code — and then maybe configure a forwarding email address, because you know deep down that self-hosted email servers are a thing of the past.

Share her posts on Facebook. Like them. Create a hashtag for your affection to her and let her come to this knowledge through the Internet, but follow through in real life. Your story deserves to be written down.

Suggest her for #FollowFriday.

Go out on dates. Let her heart open up to you and digest these memories into a single post which will be remembered in the archives of our search engines. Kiss. Change your relationship status. Kiss some more. Add her friends. You now have more mutual friends. Tag your photos together. Add her on Farmville. Harvest her farm. Poke her.

You are no longer forever alone.

Marry a girl who blogs. Propose to her by making a website with animated gifs and MIDI background music; she will show you the secret journal she’s been writing for years for you, and you alone. You will find that it comes with no ads, no links, no page rank. Only her trust rank. You will be overjoyed to read the fondness she has had of you, and realize that this, and this alone is the memory she chose to keep from her readers.

Have kids with a girl who blogs. Let her post photos and status updates about your children. Share them with your friends. You will see that she has saved everything onto a USB drive and printed the most fond ones for a real family album because the grandparents are not on the Internet.

Date a girl who blogs because she will find interestingness in the most uninteresting of things. You deserve to be interesting and that this life you live, though monotonous in its day to day is the perfect testament to why she loves you.

Source

Kilala niyo si Tina?

Baka lang kako kilala niyo siya guys? :)

Noon at Ngayon

Noon. Ni hindi man lang ako marunong mag byahe. Inis na inis ako sa usok na dult nang yosi. Badtrip na badtip ako sa mga manginginom. Jirits na jirits ako sa mga nagiingay habang umiinom. Noon mahal na mahal ako nang magulang ko. Noon mula school deretso bahay ako. Noon pumapasa pa ako nang medyo sa mga subjects ko. Noon hindi ako inaabot nang umaga. Noon hindi man lang pumasok sa isip ko na may mga tao talagang nagdo droga. Noon takam na takam ako magmahal.

Ngayon. Dala nang aking karunungan sa pagbabyahe, kung saan saan na ako nakakapunta. Halos masunog na ang baga ko sa kakayosi. Hindi lang yosi. Mumamarijuana pa. Badtip na badtrip ako kapag hindi ako nakakainom. Jirits na jirits ako sa loob loob ko kapag hindi maingay kapag nasa inuman. Ngayon halos hindi na ako pagkatiwalaan nang magulang ko. Ngayon kung hindi man late uuwi sa dorm, hindi na nga umuuwi. Ngayon halos lahat nang grade ko pasang awa, at okay na okay nako dun. Ngayon hindi pwedeng hindi ako matulog nang umaga. Ngayon gustongg gusto ko pa maranasan ang ma high sa droga. Ngayon medyo hindi ko na alam kung ano yung pagmamahal.

Sobrang panget nang pinagbago ko. Disappointed ba ako sa sarili ko? Oo kasi imbes na manatiling maayos ganitong daan ang pinili ko. Pinili ko to kaya ayun, hindi ako nagsisisi. Disappointed lang pero walang pagsisisi. Pinili ko kasi talaga to e. Walang peer pressure, walang lahat. Kagustuhan ko lahat. At masaya ako. Dissapointed ako pero at least masaya ako. Alam kong kahit masaya ako, mali pa din talaga. Pero yun pa lang talaga ang mahalaga sakin ngayon e. Yung masaya ako. Gusto ko naman to e. Mali to, oo. Pero pinili ko to, gusto ko to at masaya ako.

Relasyon

Naranasan mo na ba yung inis na inis ka sa kanya. Na nagaway kayo tapos nung di na kayo magkasama, naisip mo lahat nang masasamang bagay na ginawa nya sayo. Inis na inis ka. Iniisip mo kung bakit nga ba hindi mo pa sya iniiwan. Tapos kwinento mo pa sa kaibigan mo ang problema mo at sinabihan ka nyang ang tanga mo dahil iniiwan na dapat ang mga ganoong tao. Tapos napagdesisyunan mo na ding saktan sya, iwan sya. Pero hanggang isip mo lang talaga. Iniisip mong iiwan mo na sya. Pero kahit gano mo pa gustuhing iwan sya, kahit lahat nang parte nang mundo mo sinasabing hiwalayan mo na sya, hindi mo pa din magawa. Hindi mo kaya. Kasi putangina mahal mo e. Ano nga naman ba ang pagmamahal sa kaunting pagtitiis pa.

Ang labo.

Bakit minsan gustong gusto mo yung isang tao tapos isang araw inis na inis ka na dito? Ang labo. Yung kapag hindi ka nya kinakausap, hindi ka nya pinapansin, hindi ka nya kinukulit, tsaka mo naman sya kukulitin. Tapos kapag kinukulit ka nya nang kinukulit, kinakausap nang kinakausap, papansin sya nang papansin sayo, inis na inis ka naman. Badtrip na badtrip ka. May ganito ba o ako lang? Haha. Ang labo ko. Naiinis ako sa sarili ko.

Yung gustong gusto ko dati, ngayong gusto na ako, ayoko na.
Yung may gusto naman sakin dati, di nako pinapansin ngayon, kinukulit ko naman.

Okay. Kung ganito ugali ko, pano ako magkaka boyfriend?

Be as unavailable. Para ikaw yung hinahabol.

Kung sino yung may ayaw sa atin, yung yung gusto natin. Kung sino yung may gusto sa atin, sila yung ayaw natin. Human nature no? Ganon kasi tayo di ba? Kung ano yung wala satin, yun ang gusto natin. Hindi nalang tayo makuntento sa kung anong meron tayo. Kapag may gusto tayo, kelangan yun ang makuha naten.

Natutunan ko sa ganitong paguugali ko ay yung wag papatali. Be as unavailable. Para ikaw yung hinahabol. Wag yung kapag sinabihan ka nang “Gusto kita. Gusto moko. Ano na?” Sasagot ka nang “Oo na putangina” Wag ganon. Wag madaliin ang mga dapat na dinadahan dahan. Matutong maghintay. Kasi kapag nakuha ka na nyan, wala na. Mawawala na amor nyan sayo. Kasi nasa kanya ka na e. E kapag wala ka pa sa kanya, papangarapin ka pa nya. Gugustuhin ka pa nya. E kapag sa kanya ka na, wala nang thrill e.

Kapag papasok ka sa isang relasyon, hindi bali nang pakipot, basta hindi basta basta. Kasi kapag binasta basta mo, masasayang lang ang oras mo dahil siguradong lahat ay mapupunta sa wala. Kahit ano pang sabihin mo, kahit sabihin mo pang true love na yan, kahit pa sabihin mong kilala nyo na ang isat isa sa maikling panahon, hindi talaga e! Kapag nakuha ka na nang isang tao, hindi magtatagal mawawala na interes nyan sayo.

Kahit anong mangyari, mas maganda talaga yung mabagal. Yung pinagiisipan.

Yung mas mahal ka o yung mas mahal mo?

Ano yung mas okay? Yung mas mahal mo sya o yung mas mahal ka nya?

Yung mas mahal mo sya na kahit hindi kayo masyado nakakapag usap okay lang, yung kahit hindi siya humingi nang sorry sa nagawa nya sayo okay lang, yung kaya mong palampasin lahat nang pagkukulang nya, yung kapag hindi kayo magkasama sapat na sayo ang isang text mula sa kanya, yung lagi mo nalang iisiping busy sya kaya hindi ka nya natetext, yung ayos lang sayo na mas masaya sya sa mga kaibigan, yung kapag hindi sya magtetext okay lang, yung wala syang time sayo, yung minsan na nga lang kayo magkasama tapos wala pa sya sinasabi sayo, yung minsan mo lang talaga maramdaman na espesyal ka sa kanya. Yung sapat na sayo na alam mo sa sarili mo na kayo. At bilang kayo, may pinanghahawakan ka. Alam mong kahit papano may pagasa. Nasasaktan ka sa pagtrato nya sayo na parang hindi nya kasintahan pero wala kang magawa, ayaw mo sya i confront e. Kasi nga naman baka iwan ka nya. Hindi mo pa naman kaya na iwan ka nya kasi sa relasyong meron kayo, mas mahal mo sya.

Yung mas mahal ka nya na alam mo naman hindi ka nya kayang iwan kaya aabusuhin mo pa. Alam mo kasing hindi ka nya kayang iwan kaya hindi mo sya bibigyan nang time. Hindi mo siya masyadong mahal kaya kahit kayo ay mas marami pa ang load at time na naaaksaya mo sa iba kesa sa kanya. Hindi mo sya masyadong mahal kaya natutuwa ka lang itext sya kapag medyo nagreklamo na sya sayo. Hindi mo sya masyadong mahal kaya kung saan saan ka pumupunta nang hindi man lang nya alam dahil alam mong hindi naman sya magrereklamo. Hindi mo sya masyadong mahal kaya kahit nasa isang relasyon ka na ay naghahanap o nagpapahanap ka pa din nang iba, Hindi mo siya masyadong mahal kaya wala kang pakialam sa nararamdaman nya, hindi mo alam kung panong ayaw nyang masira ang relasyon nyo kaya hindi sya nagrereklamo. Hindi mo sya gaanong binibigyan nang time kasi alam mong hindi nya kayang wala ka. May pinanghahawakan ka e, yung pagmamahal nya sayo. Masyado kang kampante kasi nga naman sa relasyong meron kayo, mas minamahal ka nya.

Anong mas okay?
Anong mas mahirap?

May sakto ba? Yung gitna lang? Parang wala. Sa magkaka relasyon, at one part or another, sure ako na hindi pantay ang pagiibigang nagaganap. Isa yung mas nagmamahal. Isa yung medyo lang at mas minamahal.

Pinaka malalang bisyo

Ikaw ang pinakamalala kong bisyo. Hindi ka lang sagabal sa pag-aaral, sagabal ka rin sa pagkain, pagtulog, at kahit paghinga ko. Hindi ko inakala na magiging ganito ako kapabaya sa buhay ko nang dahil lang sa isang tulad mo. Tulad ng ibang bisyo, hindi ko inisip ang mga masasamang epekto nang “simulan” kita. Ang nasa isip ko lang noon, kung paano mo akong napapasaya, kung gaano ka kasayang kasama, na para akong lumulutang sa kawalan kapag kausap ka at pinapatawa ako, na ikaw lang ang nakikita ko kapag kasamang naglalakad, na natutunaw lahat ng tao sa paligid at boses lang nating dalawa ang naririnig. Napakadami kong dahilan na kayang sabihin para ipagtanggol ang pagkalulong ko sa bisyo ko: ikaw.

Napakadami kong binalewala. Oo, kasalanan ito. At tulad ng lahat ng bisyo, huli na ang lahat nang magising ako sa katotohanan. Tulad ng isang matinding hangover, sabay ng paggising ko ang pinakamatinding sakit ng ulo, ang pakiramdam na nasusuka ako, at ang pag-ikot ng buo kong paligid. At kasabay din ng hangover ay ang pagbalik at pagdagdag ng lahat ng problemang inasahang mawawala nang umpisahan ang bisyo.

Totoong hindi maganda ang nagagawa ng bisyo. Binubulag ka lang ng mga pangakong makakalimutan mo ang mga problema mo, lulunurin ka sa saya at paaasahing masayang lahat ang nangyayari sa paligid mo. Huli na kapag namalayan mong ang pinaniwalaan mong maglalayo sayo sa mga problema—kahit pansamantala—ay sya ring dahilan ng panlulumo mo sa susunod na umaga.

Kasalukuyan akong nasa rehab ngayon. Wala na akong balak balikan ang aking bisyo, gaano man ako mahirapan ngayon na tanggalin ka sa aking sistema. Alam kong kahit na piliin kong ipagpatuloy ang bisyo, o ang pagrehab, may hirap akong mararanasan. Pero mas pipiliin ko na ang pansamantalang hirap na pangmatagalan na kaginhawaan ang kapalit, kaysa sa pansamantalang kaligayahan na bigay mo na pangmatagalang hirap ang hatid.

MALANDI - MALIBOG

Malibog. Sila yung makakati pepe at agad agadan kung tigasan. Tangina. Malamig lang, titigasan na agad? Kelan naging makatarungan yun. Hahaha! Nadais lang sa boobs mo, iba agad iisipin mo. My gulay! So katihhh!!

Malandi. Yung hanggang salita lang. Yung nang aagaw. Yung okay lang maging kabit. Yung bwiset. Yung nakakainis. Yung walang kwenta. Yung hayop. Yung kasumpa sumpa. HAHAHA!

Sino ka?

PINGGER

O bakit? Meron din naman talaga nito a. HAHAHA! Pero unlike sa mga lalake, hindi lahat nang babae nag ga ganito. Kasi parang ang kumplikadong gawin. Ang labo. Napaka labo. Di ko talaga ma figure out. At basta. I google mo nalang.

Eto yung way nang pagsasarili nang mga babae. Counterpart nang pag jakol nang mga lalake. Tama ba ako o tama. Syempre, tama ako.

Diko maintindihan kung bakit yung iba, lalo na sa ibang basa, bote pa gusto. My gad. My gad the butas ha!! HAHAHAHAHA

JAKOL

Gawin nang mga lalake. Araw araw. Chos! Hahaha. Bat nga ba ginagawa to nang mga lalake. Ako hindi ko din alam. Yung parang okay lang sa kanila na araw araw gumaganyan. Ang labo talaga. Pero siguro kailangan nila yon. Para saan? Aba malay ko. Siguro kelangan nila yun kasi sabi nang iba, yun daw yung way nila nang paglalabas nang dumi sa ari. Kasi, ang babae, nireregla. E sila, hindi naman sila nireregla kaya kelangan nilang ilabas yun.

Pero unfair no? Kasi sila pag maglilinis nang ari, nasasarapan. Pero pag sa regla, ang sakit sa puson. Bat naman hindi yata patas.

Bat ba sila nang jajakol. Kasi malilibog! Eww. Charot! Hahahaha. Pero yun naman talaga e. Sasamplain ko yung lalakeng tatanggi nyan. Alangan namang mag jakol kayo kasi, badtrip kayo? HAHAHAHA! Duh.

Ayoko nang dagdagan. Kung ano ano na nasasabi ko e.

LIBOG

Lahat naman daw may libog. Tangina. Pag ikaw hindi ka nalibugan ni minsan sa buhay mo. Magpapa parteh parteh ako. Bat nga ba may mga malilibog. Syempre. Kasi, may nakakalibog.

-

Libog. Para sa mga nagbibinata o mga binata na wala masyadong social life, eto yung pagtatago mo nang DVD/CD na porn na binili mo sa quiapo sa bag mo. O sa ilalim nang kama mo. Eto yung pag papa blutut mo nang napakadaming scandals dyan sa cellphone mo. Eto yung pagpapabili mo nang portable dvd para solve. Eto yung pagpatay mo nang ilaw pag gabi.

-

Libog. Para sa may mga karanasan na o alam mo na yan. Eto yung kapag inuman lalandi ka, para maka iskor. Hindi dahil sa gusto mo yung babae. Yun ay ang pagiisip na lasing na sya after nang session at alam mo na ang mangyayari. At gusto mo yon. Yun yong sumisimpleng hipo ka sa girlfriend mo kapag madilem, malameg, kayo lang dalawa.

-

Libog. Para sa mga babae. Yun yong pinandidirian nyo sa mga lalake. Kasi ang arte mo. Kala mo wala ka non. Yun yung pag ungol nang ilan kapag nasasarapan.

SEX

Sex. Kelangan daw to sa isang relasyon. Sabi nang iba, panghawak daw to sa relasyon, para tumagal, para mas mag ka tiwala sa kapareha, para hindi agad magkasawaan. Sabi ko naman, whoo. Libog lang yan. Libog lang naman talaga tapos pati pag ibig idadahilan mo pa. Ang dami mo namang alam.

Sex. Pwede din tong pampa boost up pa nang masisira nang relasyon. Halimbawa, nagkakasawaan na kayo. Edi konting hipo at himas dyan, bigayan na. Ayan na! Ayan na talaga. Tapos bati na. Tapos magkakasawaan ulit. Tapos sex tapos okay na ulit.

Sex. Masarap daw.

Relasyon

Paano kapag mahal na mahal mo sya tapos isang araw sasabihin nya sayo na hindi na sya masaya. Kaya mo bang tanggapin? Kaya mo bang sabihin sa kanya na “Osige, yan yung gusto mo e.” Marahil kaya mo. Pero bukal ba sa loob mo? Malamang hindi. Bakit ganon no? May mga tao na minahal mo na nga ng buo. Ang dami mong sinakripisyo para sa kanya. Natuto kang magpuyat dahil sa kanya. Natuto kang magsinungaling sa magulang mo para lang makasama sya. Wala kang ginawang masama kasi ayaw mong magalit sya. Tapos ang ending: hindi na sya masaya. Mapapaisip ka. Madaya. Ano bang ginawa mo. Ganon na ba kasama magmahal? O ganon lang talaga ang epekto nun? Sadyang masakit. Sobrang sakit. Pero ganon e. At wala ka ng magagawa kung hindi maghintay kung babalik sya. Baka sakaling maisip nya na mahal ka talaga nya. At maghintay nalang. Maghintay makapag move on. Maghintay ng maghintay hanggang mawala na lahat ng sakit. Samantalang sya, sobrang saya na. Masaya na kasi wala kana sa buhay nya.

Relasyon

Yung iba, sa murang edad, gusto na agad mag ka kasintahan. Hindi ba nila naiisip na once na pumasok ka sa isang relasyon, mahirap na itong tigilan? Na after ng isa, gugustohin na agad ng isa. Yung ibang magkaka syota, kapag iniwan, gusto agad ng kapalit. Bakit ba sila naghahanap ng kapalit agad? Dahil ba hindi talaga nila minahal yung naging kasintahan nila? Hindi ba nila naiisip na masakit sa part ng isa kasi iisipin nila na hindi mo sila minahal talaga. Pero bakit sa iba napaka dali lang ng mga ito. Sila siguro yung mga tinatawag nating manhid at makasarili. Yung mga walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Yung mga maging masaya lang sila, okay na. Yung kapag masaya sya sayo, swerte mo. Pero once na nawala na yung saya na yun para sa kanya, wala na syang ibang iisipin o maiisip kung hindi yung sarili nyang kapakanan at kapag dumating yung ganoong panahon, kawawa ka naman. Ikaw na nga yung nagmahal, nagbigay, nagtiwala; ikaw pa yung naiwan. Pero kapag nasaktan ka wala kang karapatang magreklamo. Kasi mali ka din naman e. Sya yung taong napili mo. Malay mo kung iba yung minahal mo, masaya kapa siguro ngayon. Malay mo kung iba yung minahal mo, masaya pa sya sayo ngayon. Pero hindi e. Sya yung minahal mo at hindi nya kasalanan yun. Pinili mo din namang pumasok sa relasyon na walang kasiguraduhan kaya wala kang karapatang magreklamo. Dapat kapag papasok ang isang tao sa isang relasyon, handa nitong harapin lahat. Lahat ng saya. Lahat ng sakit.

Relasyon

Sinong may alam kung bakit nawawala yung amor nyo sa isa’t isa? Yung ilang buwan kayong masaya, may point pa nga na iisipin mong forever na, tapos biglang isang araw mapapaisip ka kung anong nangyayare. Kung bakit nagbabago. Kung bakit hindi na katulad ng dati yung relasyon nyo, kung bakit hindi na nag wowork. At kapag nangyari to, dalawa lang yung choices mo. It’s either, panindigang hindi ka na masaya at iiwan mo na sya. Or magpapakalayo, magiisip, at baka sakaling maibalik kung anong mayroon kayo dati.

BISYO

Bisyo (n.) Masarap. Bawal.

Sabi ng ibang highschool students pag nakakita ng mga nagyoyosi“Yuck. Ano ba yan.” Pero makitakita mo, pag dating ng college, tuwing umaga, nasa may gilid ng school, nag yoyosi. Nasan na ang pagka diri mo noon sa yosi? Nasan na ang pag la like mo pa sa fanpages na against smokers? Nasan na yung pag sinabihan kang “Magyoyosi ka ba pag binigyan ka ng 100?” “Hindi! Kahit 1milyon pa yan”. Nasan na? O ngayon, dala ng mga kaibigan mo magyoyosi ka.

Sa paginom naman, medyo eto okay pa. Kasi dala ng mga okasyon at barkada. Masaya kaya. Hindi masarap. Ang sakit sa tyan. Magsusuka kapa. Mahihilo ka pa. Hangover pa bukas. Pero okay lang. Nalasing ka naman e. Masaya ka naman kagabi e. Naalis naman panandalian yung problema mo e.

Pero bat may mga taong diring diri sa mga taong bumibisyo? Perpekto ba kayo? Hindi naman porket nagyoyosi ako e masama na akong tao. Bakit may mga taong judgmental na akala mo mga dyos kung umasta? Tangina bugahan kaya kita ng usok para bengga.

Tapos yung mga magulang mo. Sana hindi sila nagpapakita na umiinom o nagyoyosi sila para kapag pinagalitan ka wala kang isusumbat sa kanila. Pero hindi e. Sa inyo pa nag iinuman. Edi syempre iisipin ng anak mo na okay lang yan. Tapos sasaktan mo yung anak mo kapag nahuli mong chumochorva. Tanga ka ba. E hindi ka naging huwaran e.

Sa mga may bisyo, wag sobra.

Sa mga walang bisyo, wag epal!

Kadalasang dahilan kaya may mga nag be break:

Nagkasawaan na.

Yun bang tumatagal nalang kasi naghihinayang nalang sa buwan o taon na pinagsamahan. “Ang tagal na kasi namin e.” Pero break-up din ang ending kasi ganun talaga di mo naman pwedeng ipilit pag wala na.

May malandi.

Ika nga nila, “Walang matibay na relasyon sa malanding may determinasyon” Kahit pa sabihing mahal mo yang syota mo at mahal ka din nya, kapag ginamitan ng karisma at sarap yan, wala ka na.

May nagpapalandi.

Pwede namang hindi mauwi sa break up kapag nilalandi yung syota mo e. Kasi kung mahal ka talaga nya, hindi sya magbibigay ng atensyon sa iba. Pero kung nagpapalandi din sya at nakikipag cooperate, e kawawa ka naman talaga.

Hindi na katulad ng dati.

Kapag naghahangad ka na ng more. Kasi hindi ka na kuntento sa kinagisnan nyo. Hindi ka na masaya sa mga nangyayari. Parang wala ng nagbabago. Parang wala ka lang mapapala pag tumagal pa kung anong meron kayo. Parang nagaaksaya ka nalang ng panahon.

Kasi ayaw ng babae makipag sex.

Niyaya ang babae. Ayaw nya. Sasabihin ng lalake, naiintindihan daw nya at maghihintay na lang sya ng tamang panahon pero simula nung tanggihan mo sya, cold na sya. Oh well. Ganun talaga yung iba.

Pumanget sya bigla sa paningin mo.

Na turn off ka. Naghanap ka ng dahilan para iwan sya. May ganito talaga.

Nasasakal ka na.

Yung araw araw kayong magkasama at lahat ng bagay kinaseselosan nya. Na parang ang role ng syota mo nanay/tatay na. Hindi na gf/bf. Yung lahat ng bagay sya na yung nagdedesisyon para sayo. Yung parang hindi na ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay.

Relasyon: parang LRT/MRT lang.

Ang sikipsikip na nga, sisisiksik ka pa. Ayaw mo kasi nung naghihintay diba? Alam mo namang may dadating pa pero sige at isisiksik mo pa sarili mo. Kahit may mabubunggo kang iba, okay lang. Basta nandun ka.

Siksikan na, hihintayin mo nalang yung susunod. Kasi alam mong lahat sila andun na kaya sa next ay wala ka na masyadong kasiksikan. Alam mo kasing makakarating ka din dun sa pupuntahan mo kaya maghihintay nalang. Ano ba naman kasi ang masama sa paghihintay.

Marami pang upuan sa loob pero hindi ka uupo. Mas gusto mong nakatayo nalang. Kasi malapit lang naman yung bababaan mo e. Kung sa relasyon, parang ayaw mong makitabi dahil alam mong aalis ka lang din naman. Mas mabuti pang ipaubaya mo sa iba yung upuan.

Bangkang papel

Binuo. Pinorma. Inayos.

Hanggang nabuo ang bangkang papel.

Maganda. Iniingatan.

Marupok. Napunit. Nasira.

Hanggang papel na lang sya.

Wala na yung pagiging bangka nya.

Martir.

Sinasaktan ka na nga, minumura ka na nga, dinuduraan, winawasak, pinupunit na nga ang pagkatao’t kaluluwa mo, hindi mo pa din iniiwan.

May mahal na nga syang iba, hinihiwalayan ka na nga, pinapamukha na nga nya sayo na hindi na sya masaya sayo, ipagsisiksikan mo padin ang sarili mo at hihintayin na magkapag asa pa kayong dalawa.

Wala na nga e. Hintay ka pa ding tanga ka.

Ang masama ay yung proud ka pa sa pagiging martir mo. Ipagmamalaki mo pa na mahal mo lang sya kaya ka nagkakaganyan. Ay mahabaging panginoon. Sana tamaan ka nang kidlat.

Yan ang hirap sa tao e. Lalo na sa mga taong nagmamahal. Alam na nga na wala nang aasahan, sige pa sa paghihintay. Alam na nga na wala namang mapapala, tina try pa din. Masokista. Martir. Putangina.

Alam kong hindi ko masisisi ang mga martir at nagpapaka tanga at sinasaktan ang sarili. Pero please lang, maawa naman sana kayo sa sarili niyo. Kung kaya mo namang mabuhay nang masaya, bakit ka magtitiis sa pasakit na nararamdaman mo sa kanya?

Wag mong idadahilan ang putanginang rasong “mahal ko sya”. Walang dulot na maganda ang pagmamahal kung pasakit lang ang nararamdaman mo. Oo kaakibat nang salitang mahal ang salitang sakit. Pero hindi sinasabing kaakibat nang salitang mahal ang salitang tanga. Okay?

Okay lang magmahal. Masaktan. Pero ilugar sa tama ang pagpapakatanga. Iayon sa tao. Magpakatanga sa tamang tao.

Uso karma ha. Dahan dahan lang

Kung ayaw mong maloko sa hinaharap, wag kang manloloko sa kasalukuyan. Uso karma bebe. Kung takot ka masaktan, wag ka ding mananakit. Hindi porket masaya ka, tama na ang lahat. Tama lang yang pagmamahalan na yan kung wala kayong nasasaktan.

Sa relasyon, dapat kahit masyado kayong masaya, wala kayong nasasaktan. Sa pagiibigan niyo, walang matatapakan. Hindi yung basta nalang kayo aariba na para bang walang ibang naghihintay, nagmamahal, nasasaktan.

Hindi porket sapat na ang mga nangyayari para sa inyo ay okay na lahat. Pano na yung isa? Pano na ang iba?

Kapag pumasok ka sa relasyon, dapat sigurado ka. Hindi yung para may masabing syota lang. Dapat yung seryoso na. Yung pangmatagalan. Yung talagang mahal mo. Yung kumpleto nang hinahanap mo. Hindi yung kailangan mo lang mag ka syota kaya mo lang syinota.

Tapos kapag may dadating na isa na mas tama, iiwan mo yung isa. Manggagamit ka. Sabihin na nating minahal mo sya. Pero mas mahal mo na yung isa. Putangina. In the first place hindi mo mamahalin ang bago kung hindi ka gumawa nang paraan na mahalin sya.

Wag mong sasabihing BIGLA KO NALANG NARAMDAMAN E HINDI KO NAPIGILAN. Tangina mo kikitilan kita nang pulso. Hindi pu pwedeng bigla mo nalang sya minahal. Pinili mo yan.

Pinili mong maghanap pa nang iba. Hindi pa nakuntento. Nanakit pa nang iba. Iba talaga ang nararating na kalandian at kaharutan ano? Mahirap yan.

Wag masyado aasa

Nakakainis yung mga taong nagpapaasa pa ano? Alam mo nang may syota sila, kinakausap ka pa. Hindi naman sa bawal. Pwede yun. Kaso kung may past kayo, aba, matuto namang makiramdam.

May kaibigan kasi ako itago nalang natin sa letter N. Si N ay babae. Responsableng tao. Dean’s lister. Lagi naming niloloko nang iba kong kaibigan tapos isang araw tinanong ko sya, nung kami lang magkasama “Bading. May lovelife ka ba?” Nagulat sya sa tanong ko kasi hindi talaga ako nag o open nang ganun. Hindi ko naman inaasahang sasagot sya. Pero sumagot siya. Tapos nahihiya syang sabihin kung sino. Edi hinulaan ko. Hinulaan ko nang hinulaan at nagkataong kilala ko. Kasi nagkataong Crush ko. Siya si D. Photographer sya nung paper kung saan writer naman si N. Edi natuwa ako para kay N. Tapos sakin lang siya nag kwento. Samin kasing magkakaibigan, bihira lang kami magusao ni N nang seryoso. First time nga ata yun e. Dahil lahat, jokes na. Magaling lang kami sa tawa. Tapos sabi nya sakin nya lang daw talaga sinabi. Siguro dahil ako lang ang nagtanong. Kasi hindi mo talaga iisiping luma love life sya e. Para bang masyadong seryoso sa buhay. Minsan nga lang mag charge nang phone e. Tapos yun. Crush ko pa na biktima.

Hindi naman sila ni D. Pero pinabasa kasi sakin ni N yung mga messages ni D. Yung mga sweet messages sa kanya ni D. Nakakakilig. Kasi hindi ko talaga inakalang may katext na ganon si N. Natutuwa ako para sa kaibigan ko.

Pero nung kwinento nya yang mga yan, wala na silang something. Dala nang pagkachismosa ko, nagtanong ako “Anong nangyare?” Sagot nya “Biglang nalang sya umiwas”. Nung dati daw, kapag nagkakasalubong sila sa daan, nagngingitian pa sila, tapos biglang naging deadmahan nalang daw. Wala naman daw ginagawa si N. At wala rin syang ginawa pagkatapos nun. E syempre, babae sya e. Alangan namang sya pa daw unang kumilos.

Tapos isang araw nagtext sakin si N “Bading, si D kasi. Dapat sya yung photographer ko para dun sa iko cover ko. Um-oo na daw sya kaso nung nalamang ako yung mag ko cover, nag backout.” Sad na sad syempre si N. Kasi ano nga ba namang ugali yan ni D. Kay gago. Pero nag wall post si D kay N sabi nya sya naman daw talaga dapat ang mag ko cover may nangyari lang chorbs chorbs edi naniwala si N. Syempre. Type ni baklung e.

Tapos Feb13. Kasama ko naman yung chorbs ko na kaklase ni D. Edi kinausap ko sya “Oy. Kaklase mo si D diba?” Sabi nya “Oo. Yung crush mo?”Sabi ko “Diko na crush yun. Yung kaklase ko kasi may something yata sila dati tapos umiwas na daw bigla si D.” Sabi nya “Ehh… may girlie na yun e.” Sabi ko“Yung sa (insert section here)? Yung may tattoo sa batok?” Sabi nya “Oo.”

Feb14. At dahil hindi naman talaga importante sakin ang dates, hindi ko akalaing may sisirain ako valentines nung araw na yan. Nagpasa ako nang letter kay N. “Ding! May chix na daw si chorba mo.” Sabi nya “Sino? Sabe nino? Details.” Sabi ko “Sabi sakin ni chorbs ko na kaklase ni D. Yung sa (insert section here) daw.” Sabi nya “Yung mag tattoo sa batok?” Sabi ko “Oo. Pano mo alam?” Sabi nya “Nakita ko silang magkasama dati”

Tapos, as usual, tinawanan lang nya ako. Kala ko okay na… pero kinagabihan. Nag message sya sakin. Link nang blog nya. Pasensya na daw ako at sakin sya nag se share. Wala lang daw sya talaga mapagsabihan. At binati nya ako nang happy valentines day (Oo nga pala valentines nga pala.) At nabasa ko ang mga words na ito sa blog nya na ito pa ang title “heart’s day: i wrote the saddest self-note”

Finally, reality kicked in. My friend, the only person I confessed about him, told me during our class that he got a new girl. Shoot. I did not know how to react, what to say, what to think about. My mind went blank. The room got colder, I shivered, dunno if because of the aircon or the news I got.

He said he doesn’t know how to woo a girl. He told me he does not know how to court a girl. And now, he’s got a new one. Bakit siya, nakuha mong i-pursue?

Nothing breaks even. Okay so he has moved on. And I am still right here on the same spot where he left me. How can I move forward if he has given me so many memories to hold on to? Fuck.

Nakaka-inis ka. Bakit mo pa ko wi-nall post? Bakit mo pa ko tinext kagabi? Ako naman, asa. Shit. I hate this.
Ang saya ng valentine’s day. Ang saya.

Tapos after this kalungkutan nya, kanina nagtext ulit sakin si N. Sabi nya nagtext daw sa kanya si D. Ano daw gagawin nya, gusto na day nya nang tahimik na buhay. Nakakaloka pa dyan, ang sinabi lang sa kanya ni D ay“Oy…” HAHAHA. Pero inintindi ko nalang sya… mahal nya e. Sabi ko tanungin mo sya kung ano bang gusto nyang manyare. Sabi nya ayaw daw nya dahil baka sya yung mukhang naghahabol. Di nalang daw nya itetext. Sabi ko “Edi wag ka mamroblema. Wag kang maghabol. Wag ding umiwas.”Chill lang. Let things be. Kung hindi dapat pigilan, wag pigilan. Kaya itext mo na.” Tapos tinext na ata nya.

Tapos kinahapunan nagtext na naman si N. Ni forward nya sakin ang message sa kanya ni D. Sabi sa message “Eh ano naman kung meron? Bawal na ba mag text?”

NAKAKAGAGO E. Yan ang hirap sa ibang lalake e. Kung maka asta kala mo walang nangyare. Akala mo walang iniwan. Akala mo walang sinaktan. Akala mo lahat kayang balewalain nang ganon nalang. Duh. Hindi nga bawal magtext pero be sensitive enough na alam mong nasasaktan pa yung isa. Hindi yung may something kayo nung isa tapos bigla ka nawala nang walang dahilan tapos nung may girlet ka na, itetext mo yung isa at sasabihin mong “Gusto ko lang mag catch up” GAGO KA BA. TANGINA MO LANG.

To boys, you don’t make pa asa, send sweet messages, make the girl go kilig kilig and then one day bigla mo nalang syang hindi papansinin tapos pag may bago na kayo, itetext nyo ang babaeng naiwan at tatanungin kung kamusta na sya. Tapos kapag naiinis ang babae, magtataka pa kayo. Pag sinabing wag na itext, tatanungin mo pa kung masama na bang itext sya. Wag kayong manhid. Hindi porket lalake kayo, licensed na kayong mandurog nang puso nang babae. Be sensitive enough. Alamin kung kailan dapat umiwas. Kung kailan dapat lumayo.

To girls, wag masyadong aasa. Dun nagsisimula ang lahat.